Wazzup Pilipinas!?
Nagbigay ng isang mapanghamong mensahe si Tagapangulog Atty. Marites A. Barrios-Taran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga nagsipagtapos na mag-aaral sa ika-75 Seremonya ng Pagtatapos ng St. Joseph’s Academy (SJA) noong 27 Marso 2026, sa St. Joseph the Worker Parish Church-Poblacion.
Sa kaniyang pagbabalik-tanaw sa kaniyang pinagmulan, ibinahagi ni Tagapangulong Barrios-Taran na kabilang sa SJA Class of 1984 ang kaniyang pagninilay sa kapangyarihan ng wika at katatagan ng loob.
Binigyang-diin niya sa kaniyang talumpati sa harap ng 110 mag-aaral, na ang wika ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, kundi isang buhay na simbolo rin ng pag-unlad.
“Tulad ng ating wika na patuloy na nagbabago at yumayabong, harapin ninyo ang mundo nang may katatagan,” ani ng Tagapangulo.
Pinaalala niya rin sa mga nagsipagtapos, na ang tinanggap nilang diploma ay may kalakip na malaking responsibilidad.
“Ang diploma sa inyong mga kamay ay hindi lamang katibayan ng inyong talino, kundi isang pangako na kayo ay magsisilbing liwanag sa ating lipunan.” dagdag pa niya.
Ang seremonya ay itinuturing na makasaysayan dahil sa pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagtatapos sa nasabing institusyon.








Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.