Friday, April 24, 2026
𝐆𝐔𝐌𝐈𝐋 𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒, 𝐆𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐖𝐅 𝐃𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧 2026
Wazzup Pilipinas!!
Gagawaran ang GUMIL Filipinas (Gunglo Dagiti Mannurat Nga Ilokano iti Filipinas ken Ballasiw-Taaw) para sa Kategoryang Institusyon/Samahan ng KWF Dangal ng Panitikan 2026 ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2026.
Ang GUMIL Filipinas (Gunglo Dagiti Mannurat Nga Ilokano iti Filipinas ken Ballasiw-Taaw) ay isa sa pinakaaktibong grupo ng mga rehiyonal na manunulat sa Pilipinas. Mayroon itong daan-daang aktibong manunulat-miyembro sa iba’t ibang probinsiya at munisipyo gayundin sa ibang bansa gaya sa mainland U.S. at Hawaii, California, Hongkong, Italy at Greece. Isa sa mga pangunahing layunin ng GUMIL Filipinas ay pagyamanin ang panitikang Ilokano at pamana ng kultura sa pamamagitan ng paglalathala ng mga aklat ng tula, maikling kuwento, sanaysay, nobela, mga salaysay ng kasaysayan, pananaliksik at kritikal na pag-aaral, at iba pang mga sulatin. Sila rin ay nagbibigay ng suporta sa mga Ilokanong manunulat para sa lalo pang pagpapabuti ng kasanayan sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan, pangkasaysayan, at pampananaliksik.
Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang pinakamataas na pagkilala sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nito ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at iba pang katutubong wika. Ang gagawaran ay makatatanggap ng busto ni Balagtas, plake, at medalya.
Ang KWF Araw ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 29 Abril 2026.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans.
Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence

Ross is known as the Pambansang Blogger ng Pilipinas - An Information and Communication Technology (ICT) Professional by profession and a Social Media Evangelist by heart.
Post a Comment