BREAKING

Friday, April 24, 2026

๐ƒ๐ข๐จ๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐จ ๐’๐จ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ง ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ , ๐†๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐ƒ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง 2026


Wazzup Pilipinas!? 







Gagawaran si Dionisio Soliven Bulong ng KWF Dangal ng Panitikan 2026 sa Kategoryang Indibidwal ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2026.

Sa loob ng ilang dekada, si Dionisio Soliven Bulong, manunulรกt, nobelรญsta, at editor ay naging haligi ng panitikang Ilokano sa pamamagitan ng kaniyang mga nobela at akda na sumasalamin sa bรบhay, kaisipan, at damdamin ng mga Ilokano. Kabilang sa kaniyang mga kinikilalang akda ang Fighting Pogi 1 at 2 at Matayakon Rosing, na patuloy na minamahal ng mga mambabasa sa loob at labas ng bansa. Naging mahalaga ang kaniyang papel sa larangan ng publikasyon bilang Punong Patnugot ng Bannawag Magazine mulรข 1978 hanggang 2005, kung saan hinubog at itinaguyod niya ang maraming manunulat. Nagsilbi rin siya bilang Tagapangulo ng Patnugutan ng Liwayway Publishing, Inc., at naging Pangulo ng GUMIL Filipinas.

Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang pinakamataas na pagkilala sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nito ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at iba pang katutubong wika. Ang gagawaran ay makatatanggap ng busto ni Balagtas, plake, at medalya.

Ang KWF Araw ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 29 Abril 2026.

About ""

WazzupPilipinas.com is the fastest growing and most awarded blog and social media community that has transcended beyond online media. It has successfully collaborated with all forms of media namely print, radio and television making it the most diverse multimedia organization. The numerous collaborations with hundreds of brands and organizations as online media partner and brand ambassador makes WazzupPilipinas.com a truly successful advocate of everything about the Philippines, and even more since its support extends further to even international organizations including startups and SMEs that have made our country their second home.

Post a Comment

Ang Pambansang Blog ng Pilipinas Wazzup Pilipinas and the Umalohokans. Ang Pambansang Blog ng Pilipinas celebrating 10th year of online presence
 
Copyright © 2013 Wazzup Pilipinas News and Events
Design by FBTemplates | BTT